Wednesday, October 4, 2017


Image result for girl draw
“HINDI MASABI- SABI”

By: skawngur



Ikaw ay dumating sa panahong hindi ko inaasahan

Nariyan ka sa akin nang harap- harapan

Ngunit hindi masabi- sabi itong aking nararamdaman

Sapagkat nababahag ang buntot pag ikaw ay nariyan.



Hanap- hanap ka nang aking mata saan mang dako

Dahil ikaw lang ang bagong tao na nakabihag nang aking puso

Hindi alam kung ikaw meron din bang gusto

O wala dahil sa may ikaw at ako pero wala naming tayo.



Nagpapahiwatig ngunit walang sinasabi

Naghihintay na sabihin ikaw na nga si lalaki

Kaya ang nararamdaman ko ay hindi masabi- sabi

Hinding- hindi naman kita masisisi.



Ano nga ba ang totoo sa hindi?

Tila ba parang may daga dito sa aking dibdib na hindi ko mawari

Ano nga ba ang totoo sa hindi?

Nasayo ba o nasa akin ang mali?



Pinangarap ko ang mahalin ka sa habang buhay

Ngunit ibabaon nalang ba ito sa hukay?

Dahil sa ang nararamdaman ko ay hindi parin masabi- sabi

Kaya ang puso ko ngayo ay sobrang nagsisisi.




Related image
“BULAKLAK ANG NAGPAPASAYA”

By: rechyl



Maraming bulaklak sa di maliparang uwak

May iba’t- ibang kulay na may kagandahan

Ito’y masaya at maganda tingnan

Sapagkat ito ang dahilan nang masayang magkaibigan



Umaga palang ikay natulungan

Sapagkat sa kalsada’y bulaklak nadadaanan

Abot tinga ang ngiti ng mga kaibigan

At nawawala ang probemag dinadaanan



Paa ko’y gustong puntahan

Mga bulaklak na nakakatasan

At habang namimitas may mga langgam

At daga sa dibdib aking naramdaman



Ito’y nananatili sa kanyang kagandahan

Sapagkat mga tao nagbabalikatan

Gumawa nang paraan upang hindi maapakan

Bulaklak na maganda na maaasahan



Bulaklak siyang nagustohan

Ng mga taong laging natulungan

Sapagkat sa kagandahan ito’y maaasahan

At para ito sa kalinisan at kagandahan ng bayan.











Image result for walang titulo pictures
"WALANG TITULO

By: Ash



Hindi ako isang makata

Hindi rin ako dalubhasa

Ngunit sumulat pa rin ng tula

Upang ihayag ang aking paghanga



Humanga ako sa isang tao

Na ginawa kong inspirasyon sa buhay ko

Upang hindi ako susuko

Sa mga hamon ng buhay at mga sigalo.



Ngunit ngayo'y 'di ko na alam ang paghangang sinasabi ko

'Pagkat s'ya na ang laman nitong isip at puso

Alam ko namang 'di kami pareho ng motibo

Ngunit ito lang ang masasabi ko

Alam ko ang patutunguhan ng ginawa kong bisyo.



Ngunit sa kabilang banda

'Di buo ang araw ko kung di ko s'ya nakikita

Kaya ang pagsulyap sa kanya'y lagi kong ginagawa

'Di bale nang masabihan akong "OA" ng madla

'Pagkat ito'y nagbibigay sa 'kin ng sigla at tuwa.



'Wag na niya kong intindihin wala naman s'yang paki

Sapagkat sa kanya'y wala naman akong silbi

Hindi ko rin siya masisisi kung ayaw n'ya ko sa kayang tabi

'Pagkat ordinaryong tao lamang ako sa kanya kung masasabi.



Pasensya na siya, tinamaan lang kasi

Itong puso kong tinopak at di ko na mawari

Kaya 'wag na niyang intindihin ang aking mga sinasabi

Dahil alam ko namang ipinaglalaban ko'y puro mali.



Paghanga lang ba talaga itong aking nararamdaman

Na pilit kong tinatago sa kanino man

O ito naba'y tinatawag nilang pag-ibig na 'di ko pa nararanasan

O isang kathang isip lamang na ayokong paniwalaan.



Tatapusin ko na itong aking tulang walang patutunguhan

'Pagkat sa tingin ko'y sarili ko na'y aking sinasaktan

Pinamukha sa sarili na wala akong karapatan

Sa mga pana ni Kupido na inilaan kanino man.



Ngunit meron namang pag-asa

Na sa darating na mga araw ako'y liligaya

Na mararanasan ko sa piling ng iba

At hindi mula sa kanya.





Image result for philippine flag
AKO'Y PILIPINO

By: Jaevey



Taas noong aking ipinagmamalaki

Di ko ikinakahiya sa alin mang lipi

Busilak ang puso, malinis ang budhi

Pilipino akong may dangal na lahi,



 Pilipino ako sa anyong sarili

Na sa akin ay namumutawi

Di ikinakahiya pagiging kayumanggi

Bukal sa pusong tinatanggap ng sarili.



 Nang dahil sa pagmamahal sa aking bayan

Tungkulin kung sundin ang batas sa lipunan

Kalamayin ng loob ay makamtan

Na walang alin mang mangyayaring kasamaan,



 Gagawin ang lahat para sa inang bayan

Dugo at pawis sa kanya inilalaan

Kahit ito man ay suntok sa buwan

Lahat iaalay para sa hinahangad na kapayapaan.
 
 

 Nananalaytay sa aking ugat ang dugong pilipino

Handa akong sumugba sa bayang kinagisnan ko

Maipakita ko lang na ako'y tapat at totoo

Sa bayan na aking iniidolo,



Pagiging pilipino

Hinding-hindi matitinag at mapipino

Sapagkat ito'y dapat ipagmalaki sa buong mundo

Na ikaw, siya, at ako ay pilipino.



Image result for sa lalaking minsan kong minahal
"SA LALAKING MINSAN KONG MINAHAL"

By: Lovexty



Ilang balde na nga ba ang aking nailuha

Sa iyong biglaang pagkawala

Ikay tila ba parang isang bula

Naglahot nawala nalang bigla  bigla



Akoy para bang binuhusan ng isang malamig na tubig

Sa Pakikitungo mo sa akin na sobrang kay lamig

Ano ba  ang nais mong ipahiwatig?

Ikaw ay nagbago na ba ng himig?



Puso moy naging isang bato

Sa biglaang pagtatampo

Hindi ko naman kailangan ng sobrang atensyon galing sa iyo

Ngunit Sino nga ba ang nagbago?

Ikaw ba o ako?



Nagkatampohan nat lahat

Pagibig koy hindi pa ba sapat?

o sadyang ikaw lang talaga ay namulat

Namulat,Sa katotohanang ako para sayo ay hindi  karapat dapat?



Pag unawa at pagintindi lang ang aking nais

Ngunit landas natin ay sa iba nalihis

Nawala na ang mga salitang dati kay tamis

Naging matalas ang dila,napalitan ng sakit at sobrang pagka inis



Alam kong nasaktan rin kita

Hindi ko naman sinasadya o sinta

Ngunit mas pinili mo paring maghanap ng iba

Dahil sabi mo doon ka mas sasaya sa kanya



Minsan na nga lang magmahal ang isang kagaya ko

Iniwan pa ng isang kagaya mo

Ano nga bang meron siya na nawala ako

Pusoy nababaliw sa kaiisip sa iyo



Sa lalaking minsan kong minahal

Pag-ibig ko ay isang  hangal

Ngunit Akin ng ibabaon sa hukay

Itong pagibig ko na hindi pang habang buhay



Maraming salamat nalang sa iyong pang iiwan

Ikaw ay kaya ko namang kalimutan

Gaya ng paglimot mo sa  aking nararamdaman

Kalimutan lahat ng sakit na sa iyo ko lang naranasan




Ayoko ko ng magmukhang tanga

Tuluyan ng lalayo sayo sinta

Sapagkat nagising na ang aking diwa

Ayoko ko ng magmukhang kawawa



Sa lalaking minsan kong minahal

Maraming salamat sa  iyong mga nagawa

Sa lalaking minsan kong minahal

Marahil hindi lang tayong dalawa sa maykapal itinadhana





Sa lalaking minsan kong minahal

ako ay sadya ng natoto

Pero kung tatanongin mo kung mahal parin kita?

Oo, pero hindi na gaya ng dati sinta



Sa lalaking minsan kong minahal ako sana ay patawarin

Kung sa iyong pagbalik wala ka ng mababalikan pa sa akin

Kahit gaano mo pa hilingin sa mga bituin

Di ko na kaya pang ibalik ang dating pagtingin na nawala sa atin.




Image result for cartoon character boy and girl
PANSAMANTALA
By: Team Makatang Sawi







Noong araw, maraming babae ang patay na patay kay Pentolino. Isang araw, habang naglalakad si Cartolina sa daan, nakita siya ni Pentolino. Nabighani si Pentolino sa kanyang kagandahan. Nilapitan ni Pentolino si Cartolina at tinanong nito ang kanyang pangalan. “Magandang araw, magandang binibini, maaari ko bang m alaman ang iyong pangalan?”



Lumipas ang mga araw, nagkamabutihan sila sa isa’t- isa. Palagi na silang nagsasama na gumagala at kumain sa labas. Ligid sa kaalaman ni Cartolina na may kabulastugan pala na ginagawa si Pentolino. Hindi lang pala siya ang babae ni Pentolino, kundi may iba pa at ito ay si Mechapen.

Isang araw, gustong surpresahin ni Cartolina si Pentolino sa kanilang anniversary. Nang nakarating na si Cartolina sa bahay ni Pentolino, kinutuban siya dahil may isang kotseng nakaparada na hindi niya kilala. Kinutuban si Cartolina ng makita niyang bukas ang pintuan ng bahay ni Pentolino. Kahit na kinabahan siya, naglakas loob parin siyang pumasok. Nagulat si Cartolina sa kanyang nadatnan. Magkasama si pentolino at Mechapen. “Pentolino! Anong ibig sabihin nito?” Nabigla si Pentolino dahil hindi niya inakalang dadating si Cartolina sa kanyang bahay. “Pentolino, sino siya? Siya ba ang yaya mo? Bakit hindi mo sinabing may yaya ka pala? sabi ni Mechapen. “Cartolina, magpapaliwanag ako!” sabi ni Pentolino. “Hindi Pentolino, sapat na ang nakita nang dalawang malalaking mata ko. Hindi mo ako maloloko sapagkat papunta kapalang, pabalik na ako.” sabi ni Cartolina. Mabilis na tumakbo palabas si Cartolina at pinaharurot ang kanyang sasakyan. Sa hindi inaasahang pangyayari, “screeeeccchhh”. Naaksidente si Cartolina, at isinugod ito sa ospital. Nang makarecover na si Cartolina, pumunta siya sa ibang bansa para makapaglayo- layo at makalimutan ang masamang bangungot na nangyari sa kanyang buhay.



                Sampung taon ang lumipas, bumalik si Cartolina sa Pilipinas upang makipag meeting sa isa sa mga investors ng kanyang kompanya. Hindi niya inaasahan na si Mechapen pala ang kanyang investor. Ngunit sa kabila nito, wala na siyang masamang loob na kinikimkim dahil simula noong iniwan niya ang Pilipinas ay iniwan na rin niya ang masamang ala- ala na bumago sa kanyang buhay. “Cartolina, kumusta ka na? Wala na akong narinig patungkol sayo?” sabi ni Mechapen. “Ok lang naman ako Mechapen, ikaw kumusta na kayo ni Pentolino?” sabi ni Cartolino. “Hindi mob a nabalitan ang nangyari?” sabi ni Mechapen.



FLASHBACK….

Ilang araw makalipas ang pangyayaring iyon ay nalaman na lamang ni Pentolino na umalis na pala nang bansa si Cartolina. Ilang ulit nitong tinawagan si Cartolina para magpaliwanag ngunit hindi ito sinasagot. Alam niya sa kanyang sarili na mahal na mahal niya si Cartolina at kahit anong mangyari ay gagawin niya ang lahat para magkabalika sila. Kaya sinundan niya ito sa ibang bansa. “Cartolina, patawarin mo ako. Mahal na mahal kita.” sabi ni Pentolino. “Hindi Pentolino, manloloko ka, niloko mo ako.” sabi ni Cartolina, “Please bigyan mo ako nang secong chance Cartolina. Kahit gaano kamahal ni Cartolina si Pentolino ay hindi parin niya ito pinakinggan.

                Umalis na lamang si Pentolino at bumalik sa Pilipinas. Sabi niya na kahit matagal bago bumalik si Cartolina ay hihintayin niya ito. Ngunit ang kanyang paghihintay ay hindi na pala matutuloy. Naaksidente ang eroplanong sinakyan niya. Ang pag- asang makuha ang kapatawaran ni Cartolina at magkabaikang muli ay nawala na.



                “Pentolino, akala ko ba hihintayin mo ko? Bakit?