“HINDI
MASABI- SABI”
By: skawngur
Ikaw ay dumating sa panahong hindi ko
inaasahan
Nariyan ka sa akin nang harap- harapan
Ngunit hindi masabi- sabi itong aking
nararamdaman
Sapagkat nababahag ang buntot pag ikaw ay
nariyan.
Hanap- hanap ka nang aking mata saan mang
dako
Dahil ikaw lang ang bagong tao na nakabihag
nang aking puso
Hindi alam kung ikaw meron din bang gusto
O wala dahil sa may ikaw at ako pero wala
naming tayo.
Nagpapahiwatig ngunit walang sinasabi
Naghihintay na sabihin ikaw na nga si
lalaki
Kaya ang nararamdaman ko ay hindi masabi-
sabi
Hinding- hindi naman kita masisisi.
Ano nga ba ang totoo sa hindi?
Tila ba parang may daga dito sa aking
dibdib na hindi ko mawari
Ano nga ba ang totoo sa hindi?
Nasayo ba o nasa akin ang mali?
Pinangarap ko ang mahalin ka sa habang
buhay
Ngunit ibabaon nalang ba ito sa hukay?
Dahil sa ang nararamdaman ko ay hindi parin
masabi- sabi
Kaya ang puso ko ngayo ay sobrang nagsisisi.
No comments:
Post a Comment