Wednesday, October 4, 2017


Image result for sa lalaking minsan kong minahal
"SA LALAKING MINSAN KONG MINAHAL"

By: Lovexty



Ilang balde na nga ba ang aking nailuha

Sa iyong biglaang pagkawala

Ikay tila ba parang isang bula

Naglahot nawala nalang bigla  bigla



Akoy para bang binuhusan ng isang malamig na tubig

Sa Pakikitungo mo sa akin na sobrang kay lamig

Ano ba  ang nais mong ipahiwatig?

Ikaw ay nagbago na ba ng himig?



Puso moy naging isang bato

Sa biglaang pagtatampo

Hindi ko naman kailangan ng sobrang atensyon galing sa iyo

Ngunit Sino nga ba ang nagbago?

Ikaw ba o ako?



Nagkatampohan nat lahat

Pagibig koy hindi pa ba sapat?

o sadyang ikaw lang talaga ay namulat

Namulat,Sa katotohanang ako para sayo ay hindi  karapat dapat?



Pag unawa at pagintindi lang ang aking nais

Ngunit landas natin ay sa iba nalihis

Nawala na ang mga salitang dati kay tamis

Naging matalas ang dila,napalitan ng sakit at sobrang pagka inis



Alam kong nasaktan rin kita

Hindi ko naman sinasadya o sinta

Ngunit mas pinili mo paring maghanap ng iba

Dahil sabi mo doon ka mas sasaya sa kanya



Minsan na nga lang magmahal ang isang kagaya ko

Iniwan pa ng isang kagaya mo

Ano nga bang meron siya na nawala ako

Pusoy nababaliw sa kaiisip sa iyo



Sa lalaking minsan kong minahal

Pag-ibig ko ay isang  hangal

Ngunit Akin ng ibabaon sa hukay

Itong pagibig ko na hindi pang habang buhay



Maraming salamat nalang sa iyong pang iiwan

Ikaw ay kaya ko namang kalimutan

Gaya ng paglimot mo sa  aking nararamdaman

Kalimutan lahat ng sakit na sa iyo ko lang naranasan




Ayoko ko ng magmukhang tanga

Tuluyan ng lalayo sayo sinta

Sapagkat nagising na ang aking diwa

Ayoko ko ng magmukhang kawawa



Sa lalaking minsan kong minahal

Maraming salamat sa  iyong mga nagawa

Sa lalaking minsan kong minahal

Marahil hindi lang tayong dalawa sa maykapal itinadhana





Sa lalaking minsan kong minahal

ako ay sadya ng natoto

Pero kung tatanongin mo kung mahal parin kita?

Oo, pero hindi na gaya ng dati sinta



Sa lalaking minsan kong minahal ako sana ay patawarin

Kung sa iyong pagbalik wala ka ng mababalikan pa sa akin

Kahit gaano mo pa hilingin sa mga bituin

Di ko na kaya pang ibalik ang dating pagtingin na nawala sa atin.




No comments:

Post a Comment