Wednesday, October 4, 2017


Image result for philippine flag
AKO'Y PILIPINO

By: Jaevey



Taas noong aking ipinagmamalaki

Di ko ikinakahiya sa alin mang lipi

Busilak ang puso, malinis ang budhi

Pilipino akong may dangal na lahi,



 Pilipino ako sa anyong sarili

Na sa akin ay namumutawi

Di ikinakahiya pagiging kayumanggi

Bukal sa pusong tinatanggap ng sarili.



 Nang dahil sa pagmamahal sa aking bayan

Tungkulin kung sundin ang batas sa lipunan

Kalamayin ng loob ay makamtan

Na walang alin mang mangyayaring kasamaan,



 Gagawin ang lahat para sa inang bayan

Dugo at pawis sa kanya inilalaan

Kahit ito man ay suntok sa buwan

Lahat iaalay para sa hinahangad na kapayapaan.
 
 

 Nananalaytay sa aking ugat ang dugong pilipino

Handa akong sumugba sa bayang kinagisnan ko

Maipakita ko lang na ako'y tapat at totoo

Sa bayan na aking iniidolo,



Pagiging pilipino

Hinding-hindi matitinag at mapipino

Sapagkat ito'y dapat ipagmalaki sa buong mundo

Na ikaw, siya, at ako ay pilipino.


No comments:

Post a Comment