PANSAMANTALA
By: Team Makatang Sawi
Noong araw, maraming babae ang
patay na patay kay Pentolino. Isang araw, habang naglalakad si Cartolina sa
daan, nakita siya ni Pentolino. Nabighani si Pentolino sa kanyang kagandahan.
Nilapitan ni Pentolino si Cartolina at tinanong nito ang kanyang pangalan.
“Magandang araw, magandang binibini, maaari ko bang m alaman ang iyong
pangalan?”
Lumipas ang mga araw,
nagkamabutihan sila sa isa’t- isa. Palagi na silang nagsasama na gumagala at
kumain sa labas. Ligid sa kaalaman ni Cartolina na may kabulastugan pala na
ginagawa si Pentolino. Hindi lang pala siya ang babae ni Pentolino, kundi may
iba pa at ito ay si Mechapen.
Isang araw, gustong surpresahin ni Cartolina si Pentolino
sa kanilang anniversary. Nang nakarating na si Cartolina sa bahay ni Pentolino,
kinutuban siya dahil may isang kotseng nakaparada na hindi niya kilala.
Kinutuban si Cartolina ng makita niyang bukas ang pintuan ng bahay ni Pentolino.
Kahit na kinabahan siya, naglakas loob parin siyang pumasok. Nagulat si
Cartolina sa kanyang nadatnan. Magkasama si pentolino at Mechapen. “Pentolino!
Anong ibig sabihin nito?” Nabigla si Pentolino dahil hindi niya inakalang
dadating si Cartolina sa kanyang bahay. “Pentolino, sino siya? Siya ba ang yaya
mo? Bakit hindi mo sinabing may yaya ka pala? sabi ni Mechapen. “Cartolina,
magpapaliwanag ako!” sabi ni Pentolino. “Hindi Pentolino, sapat na ang nakita
nang dalawang malalaking mata ko. Hindi mo ako maloloko sapagkat papunta
kapalang, pabalik na ako.” sabi ni Cartolina. Mabilis na tumakbo palabas si
Cartolina at pinaharurot ang kanyang sasakyan. Sa hindi inaasahang pangyayari,
“screeeeccchhh”. Naaksidente si Cartolina, at isinugod ito sa ospital. Nang
makarecover na si Cartolina, pumunta siya sa ibang bansa para makapaglayo- layo
at makalimutan ang masamang bangungot na nangyari sa kanyang buhay.
Sampung
taon ang lumipas, bumalik si Cartolina sa Pilipinas upang makipag meeting sa
isa sa mga investors ng kanyang kompanya. Hindi niya inaasahan na si Mechapen
pala ang kanyang investor. Ngunit sa kabila nito, wala na siyang masamang loob
na kinikimkim dahil simula noong iniwan niya ang Pilipinas ay iniwan na rin
niya ang masamang ala- ala na bumago sa kanyang buhay. “Cartolina, kumusta ka
na? Wala na akong narinig patungkol sayo?” sabi ni Mechapen. “Ok lang naman ako
Mechapen, ikaw kumusta na kayo ni Pentolino?” sabi ni Cartolino. “Hindi mob a
nabalitan ang nangyari?” sabi ni Mechapen.
FLASHBACK….
Ilang araw makalipas ang pangyayaring iyon ay nalaman na
lamang ni Pentolino na umalis na pala nang bansa si Cartolina. Ilang ulit
nitong tinawagan si Cartolina para magpaliwanag ngunit hindi ito sinasagot.
Alam niya sa kanyang sarili na mahal na mahal niya si Cartolina at kahit anong
mangyari ay gagawin niya ang lahat para magkabalika sila. Kaya sinundan niya
ito sa ibang bansa. “Cartolina, patawarin mo ako. Mahal na mahal kita.” sabi ni
Pentolino. “Hindi Pentolino, manloloko ka, niloko mo ako.” sabi ni Cartolina,
“Please bigyan mo ako nang secong chance Cartolina. Kahit gaano kamahal ni
Cartolina si Pentolino ay hindi parin niya ito pinakinggan.
Umalis
na lamang si Pentolino at bumalik sa Pilipinas. Sabi niya na kahit matagal bago
bumalik si Cartolina ay hihintayin niya ito. Ngunit ang kanyang paghihintay ay
hindi na pala matutuloy. Naaksidente ang eroplanong sinakyan niya. Ang pag-
asang makuha ang kapatawaran ni Cartolina at magkabaikang muli ay nawala na.
“Pentolino,
akala ko ba hihintayin mo ko? Bakit?
No comments:
Post a Comment