Wednesday, October 4, 2017


Image result for walang titulo pictures
"WALANG TITULO

By: Ash



Hindi ako isang makata

Hindi rin ako dalubhasa

Ngunit sumulat pa rin ng tula

Upang ihayag ang aking paghanga



Humanga ako sa isang tao

Na ginawa kong inspirasyon sa buhay ko

Upang hindi ako susuko

Sa mga hamon ng buhay at mga sigalo.



Ngunit ngayo'y 'di ko na alam ang paghangang sinasabi ko

'Pagkat s'ya na ang laman nitong isip at puso

Alam ko namang 'di kami pareho ng motibo

Ngunit ito lang ang masasabi ko

Alam ko ang patutunguhan ng ginawa kong bisyo.



Ngunit sa kabilang banda

'Di buo ang araw ko kung di ko s'ya nakikita

Kaya ang pagsulyap sa kanya'y lagi kong ginagawa

'Di bale nang masabihan akong "OA" ng madla

'Pagkat ito'y nagbibigay sa 'kin ng sigla at tuwa.



'Wag na niya kong intindihin wala naman s'yang paki

Sapagkat sa kanya'y wala naman akong silbi

Hindi ko rin siya masisisi kung ayaw n'ya ko sa kayang tabi

'Pagkat ordinaryong tao lamang ako sa kanya kung masasabi.



Pasensya na siya, tinamaan lang kasi

Itong puso kong tinopak at di ko na mawari

Kaya 'wag na niyang intindihin ang aking mga sinasabi

Dahil alam ko namang ipinaglalaban ko'y puro mali.



Paghanga lang ba talaga itong aking nararamdaman

Na pilit kong tinatago sa kanino man

O ito naba'y tinatawag nilang pag-ibig na 'di ko pa nararanasan

O isang kathang isip lamang na ayokong paniwalaan.



Tatapusin ko na itong aking tulang walang patutunguhan

'Pagkat sa tingin ko'y sarili ko na'y aking sinasaktan

Pinamukha sa sarili na wala akong karapatan

Sa mga pana ni Kupido na inilaan kanino man.



Ngunit meron namang pag-asa

Na sa darating na mga araw ako'y liligaya

Na mararanasan ko sa piling ng iba

At hindi mula sa kanya.




No comments:

Post a Comment